Scan barcode
A review by theengineerisreading
Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat by Ronaldo S. Vivo Jr.
5.0
Do you believe in life after love?
Napasipag magsulat ng revyu sa mga natapos na libro ngayong Mayo kaya heto, ang Suklam ay ang angkop na pagtatapos sa trilohiyang Dreamland.
Ang pagpapatuloy ng kwento tungkol sa Pilipinas sa modernong panahon, partikular sa area na kung tawagin ay Dreamland, ay eksplosibo at talagang hindi matatawaran. Gamit ang makatotohanang paglalahad sa mga fictional na kwento pero salamin ng mga karanasan at pangyayaring totoong nangyayari, pinaikot at tinuldukan ni Ronaldo Vivo Jr. ang kwentong nasimulan at nabuhay sa maraming tanong.
Parehong emosyon ang nangibabaw sa akin habang binabasa - galit at inis. Nag-evolve sa suklam matapos buklatin ang huling pahina at magbalik sa totoong mundo kung saan ang mga nangyari sa libro ay nangyayari pa rin, patago man o bunyag sa publiko.
Napakaraming bagay ang nahagip ng Suklam at inirerekomenda ko na icheck muna ang mga content/trigger warnings na tungkol sa pang-aabuso, panggagahasa, pagpatay, paghihiganti, torture, ilegal na droga, at iba pang nakakasuklam na diskarte ng mga unipormadong dapat ay nangangalaga at nagsisilbi sa mamamayang Pilipino.
Ihanda ang sikmura dahil mahirap sikmurain ang ilan sa mga engkwentrong mangyayari sa Suklam lalo't-higit ang katotohanang ang kwento nina Divine, Dondi, Sarah, Boni, Marisol, at Pancho ay kwento ng bawat isa sa atin na nakatayo sa arkipelagong ito.
Paborito ko pa rin ang Bangin dahil iyon ang pinakaunang kong binasa at siguro totoong first love never dies pero kung ihahambing ang Suklam, napantayan nito ang aking expectation at nagpatuloy ang sidhi dahil sabi nga nila, ang tao pag namulat ay hindi na muling pipikit. Solid, 5stars!