A review by theengineerisreading
Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat by Ronaldo Soledad Vivo Jr.

4.0

Kung mas nauna ko itong nabasa bago ang Bangin, sigurado akong mas mataas ang rating na maibibigay ko.

Kaso, naiksian ako sa kwento. Pero tulad ng Bangin, punong-puno ng detalye ang bawat pahina ng Kapangyarihan. Mga katotohanang hindi madalas pinapakita sa media pero walang takot na inilahad ni Ronaldo Vivo, Jr. sa Dreamland Books.

Ouroboros, ika nga. Nagustuhan ko kung paano pinagtagpi-tagpi ang bawat kwentong pinaikot sa iba't-ibang karakter pero sa isang malaking larawan pala nagtapos.

Solid pa rin, pero mas lamang pa rin ang Bangin para sa akin. 4stars!